Florimer TPTCo.

  • Home
  • General Merchandise
  • Duck Raising
  • Mahogany Plantation
 

 "A strong family holds a strong business."


Florimer Tree Planting and Trading Company. 

Picture


Pagtutuwang para sa pag-ibig at kabuhayan. Walang layon ang pagtutuwang kungdi ang pagsasaayos ng seguridad ng buhay, ng kanilang dalawa, kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Nabuo ang FloriMER sa pinagsingkaw na pantig sa kanilang mga pangalan, na lalong nagsasalamin ng pagbubuklod ng diwa, isipan, layunin at damdamin.

Ninanais ng Florimer Tree Planting and Trading Company (Florimer TPT Co.) na maghanda para sa kinabukasan, at magkaroon ng para sa pangkasalukuyan. Ang pangangalakal na may halong pagtulong sa kapamilya, sa kapwa at sa mga kapatid sa pananampalataya ay lubos na pinahahalagahan at ipinakikita sa bawat gawi ng FTPTC.

MAHOGANY PLANTATION. Nasa Barangay Serranzana, Sipocot, Camarines Sur, ang plantasyon ng mga punong "mahogany" ay isang planong pangkabuhayan sa hinaharap at pantulong sa programa ng pamahalaan ukol sa "reforestration". May mahigit-kumulang dalawang libo't limang daang puno ng mahogany sa plantasyon, na sa kasalukuyan ay patuloy na pinalalaki. 

GENERAL MERCHADISE. Sa kabayanan ng Infanta, Quezon, may naitayong tindahan ng mga damit at iba pang pangunahing pangangailangan ang tambalang FloriMER. Ang tindahan ay nagmamalaking nag-aanunsiyo ng kanilang layuning dalhin ang mga produktong mula sa kalunsuran sa murang halaga. Ang maliit na tubo mula sa puhunan, sapat lamang upang gugulin sa gastos ng tindahan, ay sapat upang mapairal ang layunin ng FloriMER. 

ITIKAN. Sa Barangay Lual at sa Barangay Bacong, Infanta Quezon, bunsod pa rin ng pagnanais na makatulong sa pamilya, nag-aalaga ang magkatuwang ng ilang daang mga itik - layuning mai-negosyo ang mga inaasahang araw-araw nitong itlog. Bukod dito, inaasahang ang sistemang "INTEGRATED RICE-DUCK FARMING" ay maipatutupad sa lupang sakahang malapit na pinag-aalagaan ng mga paitluging itik para sa laong ikasasagana ng ani.

 

IKINAGAGALAK NAMING IBAHAGI AT IPAALAM SA INYONG LAHAT ANG AMING MGA PANGKASALUKUYAN KATATAYUAN AT PANGHINAHARAP NA TAHAKING PANGNEGOSYO. SALAMAT SA INYONG INTERES AT PAGBISITA, LALONG LALO NA SA INYONG PAKIKIPAGKAIBIGAN! 

Picture
Create a free website with Weebly